Tumawag sa akin kanina si Kent na susunduin niya ako mamaya. Nagpaalam na naman siya sa kapatid ko na doon ako matutulog sa space niya. Malakas talaga siya kay Ate Anna dahil para bang gusto na niya akong ibigay sa taong ito. Ngunit ilang oras na akong naghihintay sa kaniya sa lobby pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Pinadalhan ko siya ng mensahe ngunit isang beses lang siyang nag-reply sa akin. May kakausapin lang daw siya saglit dahil importante na importante raw ito. "Layna, hindi ka pa ba uuwi?" nagtatakang tanong ni Sir Clenn sa akin ng madaanan niya akong nakaupo lang sa lobby habang binabantayan ang cellphone ko. "May hinihintay lang po ako, Sir Clenn," mahinahon kong wika. "Sige," maikli niyang tugon at umalis na kaagad. Niyukuan ko siya bilang paggalang at hin