"Bakit ka nandito? I mean, bakit mo ako sinundo?" sunod-sunod kong tanong dahil hindi pa rin maproseso sa utak ko ang sagot niya kanina. Natawa siya sa tanong ko at para bang hindi ako siniseryoso. Habang nagmamaneho siya ay kinuha niya ang cellphone niya at naghanap sa contact niya ng pangalang tatawagan. Nanlaki ang mga mata ko ng magpaalam siya sa kapatid ko na iuuwi niya muna ako sa condo niya. Kung hindi lang siya nagmamaneho ay baka inagaw ko na sa kaniya ang phone niya. Hindi talaga siya marunong mahiya sa kapatid ko. Kaya matapos niyang patayin ang tawag ay sinamaan ko siya nang tingin. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya talaga ng hindi man lang marunong magtanong sa akin kung ayos lang ba sa akin. "Bakit mo sinabi kay Ate Anna 'yon?" tanong ko sa kaniya. "Nakakah