"Magpagaling ka at sasabihin ko sa 'yo ang lahat ng gusto mong malaman. Pero sa ngayon ang gusto kong gawin mo au alalahanin mo muna ang sarili mo. Ayaw kong nag-aalala ka sa ibang mga bagay dahil may mas higit pang importante na isipin kaysa sa kanila," pagpapaintindi niya sa akin at tama nga naman siya. "Kalusugan mo ang pinaka-importante sa akin, Layna kaya magpalakas ka," patuloy niyang wika at puno ng pagmamahal ang paraan ng kaniyang pagkakasabi. "Pwede na ba akong lumabas dito? Mabuti na ang kalagayan ko at mas gusto kong sa condo mo na lang ako magpahinga," nahihiya kong hiling at ikinangiti naman niya ito. "Sige kung gusto mo talagang umuwi gagawan ko ng paraan. Pero hindi na tayo ro'n uuwi sa condo dahil may bahay na tayo." "Bahay?" sumingkit ang mga mata ko sa pag-iisip. "An