Makalipas ng ilang sandali ay tumigil si Chad sa pagsasalita. Nabigo akong maging matapang at para nang tumigil ang t***k ng aking puso. Hindi ko kayang balewalain ang kaniyang mga sinabi. "Magpahinga ka na, Chad." Utos ko sa kaniya pero para siyang walang narinig. Parang gusto ko nang tumakbo ngayon sa lugar na malayo kung saan hindi ko siya makikita. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil kaya siya nagpabaya ay dahil ako ang inaalala niya. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Ngunit wala ng saysay pa! Bakit siya nagpabaya para sa gaya kong hindi naman mahalaga? Bakit niya pa ba ako minahal kung ganito lang din naman pala ang magiging tadhana niya? Gusto ko siyang pagalitan! Pero hindi ko masabi sa kaniya at nanatili na lang na pananahimik. Dahil alam ko na walang ma