PARANG minamartilyo ang ulo ni Spencer nang magising ito kinabukasan. Naliliyo pa rin ito at parang umiikot ang buong paligid niya sa tuwing tinatangka niyang imulat ang kanyang mga mata. Nasapo nang dalawa niyang kamay ang sariling mukha kasunod ang pagsuklay nito sa kanyang buhok gamit ang sariling mga daliri. Upang matigikan nang mapansin ang bulto ng isang tao na nakahiga sa kanyang tabi. Halos mabalikwas si Spencer nang matitigan niyang mabuti kung sino iyon. Gusto nang lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa pagkakadilat nang pagkalaki. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata upang masiguradong hindi siya namamalikmata lamang. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay at alanganing haplusin ang katawan ng kanyang asawa upang mas makatiyak siyang he's not under hallucinations. Napaurong pa si Sp