WALANG pagsidlan ang kaligayahan nina Strawberry at Spencer nang umagang iyon hanggang tanghalian. Sinamahan din ni Strawberry ang kanyang asawa upang magpagupit na ito at maahitan at nang bumalik na ang dating Spencer. Para magmukha nang tao ulit ito. "Hayan! Very neat ka na ulit at very charming!" masayang wika ni Strawberry. "Hmmm..totoo?" nakalabi namang sagot ni Spencer. Napatawa naman si Strawberry sa hitsura ng kanyang asawa. "Totoo nga! Ang kulit mo!" aniya. Malawak namang napangiti si Spencer sabay kindat kay Strawberry. "Mamimili tayo ngayon ng nga gamit nina triplets Wifey!" sabi nito. "Ay wow! Sinorpresa mo ako sa sinabi mo ah!" bulalas ni Strawberry. "Ofcourse my dear Wife! Gusto kong bumawi sa lahat-lahat ng mga pagkukulang ko sa'yo, sa inyo ng ating triplets!" madamd