NAGISING si Assi sa mumunting halik na dumadapo sa kaniyang mga labi. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay ang nakangiting si Alejandro ang kaniyang nabungaran. Hubo ang pang-itaas nito at nakapangibabaw sa kaniya, iniiwasan nitong madaganan ang bilugan niyang tiyan na talagang nakaumbok na. Mababa na rin ang kaniyang tiyan lalo na at kabuwanan niya na ngayon. “Good morning, Honey,” he greeted her with his hoarse tone and kissed her forehead. “Mayroon kang appointment ng checkup mamayang nine, you need to get up now.” Marahan itong bumangon sa kama at sinuot ang sando nito. Tiyak na nainitan ito kagabi, magkaiba kasi sila ng gustong temperatura sa silid kaya naman madalas na ito na lamang ang nag-a-adjust. Malalim siyang bumuntong hininga. “Tinatamad pa akong bumangon.” Kinusot niya ang m