Makaraan ang ilang mga buwan… MADALAS na nagtutungo si Simon sa isang psychiatric hospital kung saan dinala si Celina upang bigyang atensyon ng mga propesyonal. Nang unang buwan ay hindi nais magpakita sa kaniya ng asawa, ang ikalawang buwan ay nakikinig lamang ito sa mga sinasabi niya at hindi nagsasalita ngunit pagtagal-tagal ay sabik na rin ito sa kaniyang pagdalaw upang makausap siya. Siguro ay dahil naiinip na rin ito sa loob. Bumaba siya ng sasakyan pagkarating doon. Kinuha niya rin mula sa shotgun seat ang mga pasalubong niya para rito. Madalas niya itong dalhan ng mga pagkain. Halos kilala na nga siya ng mga tao sa hospital dahil sa madalas niyang pagpunta rito. Hindi naman na ginawaran pa ng kahit anong parusa si Celina ng pagkakakulong dahil kaagad iniatras ni Ava ang kaso nang