1 2 3 Ang Asawa ni Marie AiTenshi May 18, 2021 Episode 11 “Anak bakit mo naman nagawa ng ganoong bagay? Hindi naman kita tinuruang mang-umit,” ang umiiyak na wika ni inay noong puntahan ako sa kulungan. “Inay, hindi naman ako nag-nakaw, kusang ibinigay ni Senyorita Annabel ang kwintas at sinabing pag-aari iyon ng ninuno ni Sergio. Inay, padalhan niyo ng sulat si Sergio, tiyak na tutulungan niya ako upang makalabas dito,” ang wika ko naman. “Huwag kang mag-alala anak gagawa kami ng itay mo ng paraan upang makalabas ka dito. Huwag kang mag-alala dahil naniniwala naman kami sa iyo, hindi ikaw ang tipo ng tao na gagawa ng masama,” ang tugon ni inay sabay yakap ng mahigpit sa akin. “Patawad po sa mga gusot na naidulot ko, inay,” ang bulong ko habang nakayapos sa kanyang pagod na katawan.