1 2 3 Asawa ni Marie
AiTenshi
May 16, 2021
Episode 10
"Magandang 7am po Senyorita Annabel," ang bati ko habang nakangiti. Ngunit nakatingin lang ito sa akin bakas sa mukha ang kakaibang emosyon na hindi ko maunawaan. "Walang maganda sa umaga Mario, lalo't nakita ko ang mukha mo. Kumusta? Siguro busog busog ka sa pagkain ng hotdog ng kasintahan ko," ang wika nito habang nakataas ang isang kilay. Pati ang kanyang mga alalay ay nakataas rin ang kilay sa akin. Pati nga yung kabayo kung saan siya nakasakay ay mataray rin.
"Ayos lang po ba kayo Senyorita? Bakit parang hindi po kayo nakatulog? Bakit parang magdamag po kayong umiyak at sumumpa ng isang karumaldumal na sumpa? Para po kayong nakasinghot ng katol," ang tanong ko na hindi maiwasang magtaka.
"Oo, nag-isip lang ako kung paano ako magiging masaya. Sigurado akong masaya ka sa paglalandi at pag-aahas mo kay Sergio, c'mon tell me, masarap ba ang asawa ko?" tanong niya sa akin.
"Slight lang, char. Eh wala naman po kayong asawa Senyorita Annabel. Siguro po kailangan mong magpahinga dahil mukha po kayong hindi nakatulog ng maayos," ang wika ko naman.
"Huwag ka na nga mag-maanga mangan diyan Mario, alam kong masayang masaya ka dahil natutupad na ang pangarap mong maging star ng pasko sa buhay ni Sergio kaya naman nagdesisyon akong sa iyo na siya. Kung gusto mo talaga siya," ang wika niya sa akin habang nakataas ang noo at masyadong mataray ang datingan.
"Hindi ko naman sinasabing mahal ko si Sergio, magkaibigan kami at mahalag siya sa akin," ang tugon ko.
"Echuserang palaka ka! Baklang twoe! Huwag ka na mag-maang-maangan dyan Mario. Huwag kang mag-aalala dahil hindi naman ako hahadlang kung gusto niyo talaga ang isa't isa. Kaya naman nagdesisyon ako na ibigay na lang sa iyo ang kwintas na ito," ang wika niya sabay pakita ng kwintas na ginto na mayroong magarbong desenyo at mukhang mamahalin dahil sa laki ng mga batong kaka kabit dito.
"Ano po ba iyan Senyorita?" tanong ko.
"Edi kwintas! Boba ka ba? Ang tanga tanga mo talaga! Anyway, ang kwintas ito ay napaka espeyal dahil ito ang simbolo ng wagas na pag-ibig sa akin ni Sergio. Nagdesisyon akong ibigay na ito sa iyo," ang wika niya habang pinapakita ang ganda ng kwintas.
"Bakit naman ibibigay mo sa akin iyan senyorita? Siguro it's a trap!" ang tanong ko.
"Bakit ko naman gagawin iyon sa iyo? Ang kwintas na ito mahalaga kay Sergio dahil galing pa ito sa kanyang mga ninuno. Ito ang nagpapatunay ng aming wagas na pagmamahal sa isa't isa pero sa tingin ko bale wala na rin ito dahil parang lumilipas na rin ang aming nararamdaman. Sabihin na natin na hindi ko na mahal si Sergio kaya't pinauubaya ko na siya sa iyo. Para sa iyo na ang kwintas na ito," ang wika niya habang nakangiti.
"Ganoon naman pala ses, O edi ibigay mo na sa akin. Ang dami mo pang hanash at kuda e," ang sagot ko naman
"Ibibigay ko sa iyo ito, pero sa isang kundisyon," ang hirit niya.
"Sabi na nga ba may hanash ka pa e, ano naman po yun senyorita?"
"Mapapasaiyo ang diamond necklace na ito kung kukunin mo ito sa putikan gamit ang iyong bibig," ang wika niya.
"Eh bakit naman po bibig pa e may kamay naman ako?" tanong ko.
"Dahil iyon ang gusto ko. Kunin mo ang kwintas na ito sa putikan gamit ang iyong bibig! Gawin mo na, Mario. Bago pa magbago ang isip ko," ang tugon niya sabay hagis ng kwintas na putik. "Gamitin mo ang iyong bibig para kuhanin ito."
"Para kay Sergio ay gagawin ko ito," ang wika ko naman.
"Ofcourse, may tatlong dahilan kung bakit mo gagawin iyan. Una ay dahil engot ka, ikalawa ay dahil tanga ka at ikatlo ay dahil malandi ka. Gawin mo na dahil baka magbago pa ang isip ko. Alalahanin mo na ang kwintas na iyan ang mahalaga kay Sergio, noon pa niya sa akin ito binabawi ngunit ayoko lang ibigay dahil simbolo ito ng aming wagas na pagmamahalan. Ngunit ngayon ay pinapalaya ko na ang aking sarili," ang hirit ni Senyorita.
Hindi naman ako kumibo, huminga na lang ako ng malalim at lumuhod sa harapan ng putikan. Tinitigan ko ng maigi ang kwintas at dito ay nagpasya akong kuhanin na ito gamit ang aking bibig.
Marahang gumalaw ang aking mukha palapit sa kwintas na nakalubog ng bahagya sa putikan. Kahit saang anggulo ko tingnan ay talagang lulubog ang aking labi at sasayad ito sa putikan. Kaya wala rin pala akong ibang pamimilian kundi ang tuluyang isubsob ang aking mukha.
"Anong pang hinihintay mo Mario, gawin mo na, kunin mo ito gamit ang iyong bibig!" ang utos ni Senyorita Annabel sabay tawa ng malakas. Tawa ng tagumpay ang tono nito.
Tawanan rin ang mga tao sa paligid, kung ano ang tono ng tawa ni Senyorita Annabel ay ganoon rin halos ang tono ng tawa ng kanyang mga alalay.
Samantalang unti unti ko namang inilapit ang aking labi sa kwintas at kinagat ito. Humalik ang aking labi sa putikan at ang iba ay napunta pa sa aking ngipin.
Tawa naman ng tawa si Senyorita Annabel, napapa-palakpak pa ito habang sumasayad ang aking nguso at ilong sa putikan. "Ganyan nga Mario! Iyan ang dapat mong gawin!"
Ilang sandali pa ay umangat ang aking ulo, kagat ko na ang kwintas sa aking bibig. Puro putik ito, para akong sinabuyan ng kung ano.
Tawanan ang lahat sa paligid, ako naman ay tila napahiya sa aking sarili. Hindi ko alam na magagawa ko ang ganitong kababang bagay para kay Sergio.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, ni wala akong katiting na kabutihang nakita dito. "Napakasama mo talaga Senyorita Annabel," ang bulong ko sa aking sarili.
"Magaling, sige bumalik ka na sa hacienda at magtrabaho. Kayo rin bumalik na doon, tapos na ang palabas! Ang pangit! Mga inutil! Mga walang silbe!" ang singhal nito sabay hampas sa kanyang kabayo at nagtatakbo ito palayo sa aming kinalalagyan. Noong makaalis siya ay agad akong naghilamos at itinago ang kwintas sa aking bulsa upang ibigay mamaya kay Sergio pagkatapos ng trabaho. Tiyak na matutuwa siya dahil nabawi ko na kay Senyorita ang kwintas ng kanyang mga ninuno.
Alas 6 ng hapon, katulad ng dati ay doon ako muli umuwi sa tahanan nila Sergio. Habang naglalakad ay sabik na sabik akong makita siyang muli. Sa wakas ay pinalaya na siya ni Senyorita Annabel at wala na siyang dapat ipangamba pa.
Galak na galak ako noong mga sandaling iyon, sa wakas ay nagparaya na rin si Senyorita Annabel. Kung sabagay mayaman naman siya at maganda kaya alam niyang makakahanap pa siya ng mas higit pa kay Sergio. Pero kung ako naman ang tatanungin ay wala nang mas hihigit pa sa kanya. Ang kakaibang koneksyon na mayroon kaming dalawa ay hindi matatawaran at lalong hindi mapapantayan ninuman.
Mabilis kong tinunton ang daan patungo sa bahay nila Sergio at noong makarating ako sa kanilang bakuran ay nakasarado na ito, kaya naman agad akong kumatok sa bakal na tarangkahan. Pero sa halip na si Sergio ang lumabas ay bumulaga sa akin ang matandang katiwala ng kanilang tahanan. “Manang Linda, ako po ito si Mario,” ang wika ko.
“Alam ko! Ikaw ang malandi at makating bakla na si Mario!” ang hirit nito.Tila yata nakalimutan ko na ring siya ayaw rin sa akin ng isang ito. Dahil siya ay deboto ni Senyorita Annabel noon pa man. “Hindi naman po ako makati, teka po nasaan si Senyorito Sergio?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala na siya dito! Umalis na siya!” ang wika nito
“Ha? Ano po ang ibig niyong sabihin? Saan po siya nagpunta at anong oras po siya darating? May mahalaga kasi akong sasabihin sa kanya,” ang tanong ko naman.
“Wala siya, kanina pa siya umalis dahil nagkaroon ng sakit ang ama niya at isinugod sa pagamutan doon sa malayong siyudad, kaya kung anuman iyang sasabihin mo ay itabi mo na lang! Panget panget nito! Kapal kapal ng mukha,” ang masungit niyang sagot.
“Eh last question na lang po sana. Kailan po siya uuwi?”
“Abah matagal pa! Kritikal ang kanyang ama kaya aabutin sila doon ng mahigit kalahating taon! Doon ka na nga, baka malasin pa itong bakuran namin!” ang singhal ng matanda na parang isang tigreng galit nag alit at nais manakit.
“Ngi, sobrang hot niyo naman po, galit po ba kayo sa mundo?” ang magalang kong tanong,
“WALA KANG PAKI!! BAKLANG TWOE!!” ang hirit nito sabay amba sa akin at muling kinando ang tarangkahan.
Tahimik.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa gilid ng kanilang bakuran, hindi ko akalaing magagawa ni Sergio na lumisan ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Tila hindi naman yata patas iyon na hinihintay at iniisip ko siya buong mahapon tapos ay aalis na lang siya ng ganoon? Ibayong kirot ng dibdib ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon, napahawak na lang ako sa parteng makirot, niyakap ko ang aking tuhod at dumukdok dito. Sinabayan ko na rin ito ng iyak, baka sakaling kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Nabigo ako at nasaktan ng husto, ang aking puso ay nakaramdam ng tampo at hindi maipaliwanag na sakit. Wala akong nagawa kundi ang umuwi na lamang sa aming munting dampa at magkulong sa aking silid. Iyak dito at iyak doon, bigong bigop ang aking puso, nalagas na ito ng pinong pino at nagkapira-piraso.
Ang nagbibigay ng kirot sa aking puso ay ang hindi niya pagpapaalam, para bang balewala lang ako sa kanya. Kung sabagay, isa lamang akong parausan para sa kanya at hanggang doon lang iyon. Pakiwari ko ba at isa akong botchang karneng baboy na matagpos pagsawaan ay saka iiwanan
Patuloy sa pagpatak ang aking luha habang nakatanaw sa labas ng aming bintana, ramdam na ramdam ko ang kirot na para bang tinutusok ng karayom ang aking dibdib. Ilang beses kong ibinigay ang aking sarili sa kanya. Mahalagang bagay iyo para sa akin, pero para sa kanya ay tila wala lang ito. Iyon ang masakit na lubos.
Noong mga sandaling iyon ay isinilid ko sa aking lumang bag ang kwintas at nagdesisyo akong ibalik na lang ito kay Senyorita Annabel dahil bale wala rin naman ang lahat.
KINABUKASAN.
Wala ako halos buhay, wala akong gana pero kailangan ko pa ring pumasok sa hacienda upang magsilbi kay Senyorita Annabel.
Pagdating ko pa lang sa bakuran ng kanilang mansyon ay agad na akong nilapitan ng dalawang alagad ng batas, hinawakan nila ako sa braso at saka hinila upang hindi makapiglas. Nasa ganoong posisyon kami noong lumabas si Senyorita Annabel na umiiyak at galit na galit sa akin. "Ayan! Siya ang nagnakaw ng kwintas ko! Ang kaawa awa at walang kamalay malay kong diamond necklace na gawa pa sa France!" ang wika nito.
"Ilabas mo ang ninakaw mo!" ang singhal ng pulis.
"Teka, wala ho akong ninakaw! Ano bang sinasabi mo Senyorita? Alam mong wala akong ninakaw sa iyo!" ang katwiran ko.
"Sinungaling! Halungkatin niyo ang bag niya, tiyak na naroon ang kwintas ko!! Walang ibang kukuha non kundi siya lang dahil matagal na niya itong pinagnanasahan! Bakla ka! Ideny mo iyan!" ang singhal nito sabay hablot sa aking lalagyan ng gamit.
Isinabog niya ito sa lupa, nagkalaglag ang aking baong kanin at isdang ibinilot sa dahon ng saging. Nalaglag rin dito ang kwintas na ibinigay niya sa akin kahapon.
"Heto ang kwintas ko! Walanghiya ka, magnanakaw ka! Tangina mo! Pakshit kaaa! Que Verguenza, Mario! Eres un ladron!" ang pag-uulit pa niya sa kanyang sinabi.
"Senyorita, wala akong inuumit! Alam mo ito sa sarili mo! Ibinigay mo sa akin ang kwintas na iyan diba?"
"Mentiroso! Rebaste el collar! Sinungaling! Ninakaw mo ang kwintas!!" ang singhal pa niya sabay sampal sa akin!
"Wala akong ninanakaw sa iyo senyorita! Ano bang sinasabi mo? Dala ko ang kwintas para ibalik sa iyo dahil wala na si Sergio, umalis na siya at wala na rin akong pagbibigyan nito. Ibinigay mo sa akin ito diba?" tanong ko.
"Hindi! Sinungaling! Ninakaw mo ito at maraming nakasaksi! Una pa lang naman ay malikot na ang kamay mo kaya hindi na ako nagtataka! Ang ahas ay kapatid ng sinungaling!" ang singhal niya at muli akong hinampas.
"Maraming saksi sa iyong ginawa Mario! Bakit ka nang umit?" ang singhal ng pulis sa akin.
"Sige dalhin niyo na iyan sa kulungan!" ang utos ni Senyorita kaya naman kinalakad ako ng mga alagad ng batas palabas sa bakuran.
"Wala akong kasanan! Sabihin niyo ang totoo! Paki-usap, wala akong ginagawang masama!" ang pagmamakaawa ko pero nakatingin lang sa akin ang mga kasambahay na saksi sa ginawa kong pagpulot sa kwintas gamit ang aking bibig.
"Senyorita, ibinigay mo sa akin ang kwintas! Mag sabi ka sa akin ng totoo!" ang wika ko habang pilit na inilalabas.
"Wala akong ibinibigay sa iyo! Napakamahal ng kwintas na ito para lang ibigay ko sa isang katulad mong indio! Hampas lupa! Sige ikulong niyo iyan ay parusahan!" ang hirit nito kaya naman sapilitan nila akong dinala sa presinto upang doon ay hatulan.
Itutuloy.