*** MAE *** “Ang gusto ko lang naman ay bumalik ka na sa akin, Mae. Pangako ko’y magbabago na ako at pasasayahin kita higit pa sa sa ibinigay ni Jordan sa ‘yo. Please, complete me. Kay laki kong tanga para saktan ka at hayaang layuan ako, pero ngayon ay gusto ko nang bumawi sa ‘yo. Forgive me, mahal. Come back to me, please.” Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang isipan ang sinabing iyon ni Jacob. Nagulumihanan siya sa inakto nito. Bakit kaya nito nasabi ang mga katagang iyon gayong kulang na lang ay ipamukha nito sa kan’ya kung gaano siya ka walang silbi sa buhay nito? Datapwat naiinis siya sa pagiging pakialamero nito kay Jordan at sa kasalanang nagawa nito sa kan’ya, hindi pa rin niya mapigilan ang paglukso ng kanyang damdamin dahil sa mga sinambit nito sa kan'ya kanina. “Hay,