Laman ng isip niya ang dalaga at kung ano na ang nangyari rito habang kasama si Jordan. Wala siyang ideya kung ano ang mayro’n sa tahanan ng mga Villaver. Kahit alam niyang hindi siya makakapasok, ay mananatili pa rin siya sa labas upang abangan ang pag-uwi ng dalaga. Sana lang ay hindi pa siya huli. Tinawagan niya ang bantay na naroon. “Ano na ang update riyan? Sina Mae at Jordan nasaan na at ano ang ginagawa?” “Luckily ay nakapasok kami, sir. Binayaran ko ang dalawang incharge sa catering para kami ang pumalit. Kanina pa nagsimula ang party at kasalukuyang kausap ni Ramos ang matandang Villaver,” sagot ng kabilang linya. “Ano ba kasing klase na party ang nagaganap sa bahay na iyan?!” naiirita niyang tanong. “Kaarawan ng ama ni Jordan, sir. Narito rin ngayon ang lahat ng miyembro n