Gaya ng kanyang plano ay lumipad kaagad siya papuntang Cebu ngunit hindi muna siya dumiretso sa lugar kung saan naroon ang kanyang lolo’t lola. Nagpunta siya sa mga magagandang pasyalan doon at nag-check in sa isang hotel. Inaliw niya ang sarili sa pagpasyal sa mga resorts at pumunta sa mga bukirin kung saan makikita ang buong siyudad na mas magandang pagmasdan tuwing gabi. Halos isang Linggo niyang ginawa ang paglilibot at inaliw ang sarili. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam at naibaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon. Malayo pa lang ay nakita na niya ang kanyang lola na nagdidilig ng halaman sa labas. Napangiti siya at inayos ang suot na sombrero at shades. Inilibot niya ang sarong na dala sa kanyang leeg at bahagyang tinakpan ang kanyang ilong at bibig. Balak ni