Chapter 68 Wala akong imik na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan habang pinag-mamasdan ang mga building na nadadaanan namin. Hindi ko sila maayos na nakikita dahil medyo mabilis ang pagpapa-takbo ni Karlo sa sasakyan niya. Wala din siyang imik mula kaninang sumakay ako. Ang gulo-gulo na ng isip ko. Parang isang pitik nalang ay mababaliw na ako. Nakakapagod 'yung ganito. Bago siya umalis, maayos kami. Ngayon... sana man lang, ikinonsidera niya 'yung mararamdaman ko. Kahit hindi na bilang asawa niya. Kahit bilang isang babae nalang. "Saan mo gustong pumunta, Vien?" tanong ni Karlo. Mahigit isang oras na din yata kami sa daan at hindi naman alam kung saan kami patutungo. "Kahit saan," tugon ko saka pumikit. Kahit papaano, nagpapasalamat ako kay Karlo na sinamahan niya ako kahit na