Chapter 69 Pakusot-kusot ako ng matang nakatingin sa harap ng screen ng computer sa Computer Laboratory habang tinuturo ng Instructor ang lesson namin ngayon tungkol sa pag-gawa ng Java game. Parang mayroong nilagay na sili sa screen dahil nararamdaman ko ang hapdi sa mga mata ko. O dahil baka hindi ako natulog kagabi sa kaka-isip kung anong ginagawa ni Jace at ni Georgina sa kwarto. Mukha kasing doon sila natulog na dalawa. Magkatabi sila. Maaga nalang akong umalis kanina sa bahay niya para hindi ko sila makita. Baka kasi kapag nakita ko silang dalawa, mag-breakdown na talaga ako. Ayoko ng ganun. Nakaka-awa ako lalo na at mukhang walang dadamay sa akin sa bahay na iyon. Naiinis nga ako kay Manang, eh. Mukhang alam niya kasi ang tungkol doon pero hinayaan lang niya. Tumayo ako at nagpa