Chapter 59 Hinatid ako ni Hansal sa mismong tapat ng bahay namin, habang si Mark naman ay nakabuntot sa likod ng sasakyan na parang gwardiya namin. Ayoko na nga sanang magpahatid hanggang dito, pero ayaw akong ibaba ng kaibigan ko dahil baka hindi daw ako umuwi dito. Eh saan pa kaya ako pupunta! Tsk. "Umayos ka, huh? Ayusin niyo! HUWAG na huwag kang magwa-walk out, Sarah! Sinasabi ko sayo!" paalala ni Hansal ng may pagbabanta sa boses nito nang buksan ko ang pituan ng sasakyan. Muli kong sinarado ang pintuan saka sumandal sa upuan at mataman siyang tinignan. "Bakit ba pakiramdam ko mas kinakampihan mo si Jace ngayon? Ako 'yung nasasaktan, oh!" pahayag ko. "Hindi naman sa kinakampihan siya, bes. Alam mo naman na kahit kasalanan mo, ikaw pa din 'yung kakampihan ko, diba? Ang sakin lang