Naglalakad ako sa loob ng isang mall kasama si Jace at ang dalawang pamangkin niya na para bang isa kaming buong pamilya. Karga-karga niya si Zoey, habang pareho naming hawak si Alexis sa magkabila nitong kamay. Umalis si ate Camille at nakipag-meet ito sa mga dati nilang kaklase. Hindi nalang niya sinama ang dalawa dahil hassle sa byahe at malayo ang pupuntahan nila, kaya naisipan ni Jace na ipasyal ang dalawang bata. Pumasok kami sa isang toy store para ibili ng mga laruan ang dalawang bata. Since wala silang laruan sa bahay, at ayaw naman ng mama nila na puro screen ng iPad nila ang mga hawak ng mga ito. Ibinaba ni Jace si Zoey para makapamili siya ng mga gusto niyang laruan, samantalang si Alexis ay tumitingin-tingin lamang. "I want that one," masiglang sabi ni Zoey habang nakaturo