Nanlalamig ang mga kamay ko, habang bumibiyahe kami pauwi sa bahay. Nakasakay kaming apat sa sasakyan ni Annika. Kanina ko pa pinauwi si Manong Bert. "Relax... ako na ang kakausap kay Tita," nakangiting sabi ni Annika. Ganun ba kahalata na nate-tensiyon ako? Buti na lang at naging abala si Zyrus sa pakikipaglaro kay Ysa sa likod ng sasakyan. Kila Annika muna kami tutuloy habang wala pa si Chad. Kukuha muna ako ng ilang gamit namin ni Zyrus, at saka magpapaalam sa Mama ni Chad. Nasa sala ang Donya pagkapasok namin. May hawak itong tasa. Kami muna ni Annika ang pumasok sa bahay. Iniwan namin iyung dalawang bata sa sasakyan ni Annika. Kape o tsaa?? "Good morning, Tita!" masiglang bati dito ni Annika. Lumingon ito sa amin.