Chapter 32

2338 Words

Pumasok kami sa isang maliit na antique shop. Nagtataka ako kung bakit dito kami nagpunta. Akala ko ba may aasikasuhin kami? Bibilhan kaya ni boss ng bagong jar ang abo ni daddy? Hindi naman tumitingin si boss sa mga paninda. Naglakad lang siya ng diretso hanggang sa dulo. Huminto siya sa harap ng pader kaya mas lalo akong nagtaka. Kumatok si boss ng dalawang ulit. "May secret door?" mangha kong tanong pero sinenyasan ako ni boss na tumahimik. May nagbukas na maliit na bintana na kasinglaki lang ng box ng singsing. May sumilip roon na mata. At ilang sandali pa ay dinig ko na ang tunog ng bakal, bago nagbukas ang isang makapal na pintuan sa aming harapan. Pumasok kami ni boss sa loob. Isang maliit na lalake na mayroong mahabang buhok ang nadatnan namin sa loob. Maliit lang ang kuw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD