Nakaramdam na ako ng antok dahil sa dami ng nainom ko at dahil na din sa ginawa namin ni boss sa loob ng banyo. Si boss sa aking tabi ay nagbabasa ng magazine patungkol sa business. At si Sphinx naman ay patuloy pa din sa pakikipagharutan. Ngumiti ako sa flight attendant na nag-alok sa akin ng tubig. Bago ko maubos ang isang baso ng tubig, napasulyap ako kay Sphinx. Nakasunod siya sa flight stewardess na papuntang banyo. Kumunot ang aking noo at nang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa amin ni boss kanina, naisip ko na baka iyon din ang gagawin nina Sphinx at ng flight stewardess na kasama niya. Hanep, ah! Iisa ang takbo ng utak ng mag-amo na mga 'to! Siguro gawain na nila ito. Sa tuwing may flight siguro sila, may inaano silang babae sa banyo. Mapagduda kong tinignan si boss. N

