WALANG imik si Estelle nang mga sumunod na oras. Umalis na si Miss Angeles, pero may iniwan itong trabaho sa kanya. Pamilyar naman siya sa mga iniwan nito kaya hindi na siya nahirapan na sundan. Wala namang schedule sa labas si Kurt kaya nanatili lang siya sa pwesto niya. Kung hindi sasagot ng tawag, haharap sa computer at magsusulat sa note niya ng mga kailangang kabisaduhin. Halos naayos na din kasi ni Miss Angeles ang mga gagawin ngayong araw. Napaayos si Estelle nang upo nnang may naalala. Hindi ba’t si Amelia ang secretary ni Kurt? Bakit si Miss Angeles na? Tumaas ang kilay ni Estelle kapagkuwan. Baka ayaw ni Kurt na pagtrabahuhin si Amelia. Hindi naman halatang mahal nito. May kung anong anong kurot siyang naramdaman sa dibdib. Bago pa man mag-isip pa ang isip niya nang kung ano