Napakunot-noo si Philipp sa sinabi ni Lorraine bagay na napansin ng huli dahilan upang mag-iwas ito ng tingin. "So, pinabantayan pala ako ni Menardo sa 'yo, ganoon?" bulalas nito. Si Lorraine naman ang napakamot ng batok dahil wala siyang kawala kay Philipp pero naroroon na siya at ano naman masama kung aminin niya rito. "Oo," lakas-loob niyang wika. Tumiim ang titig nito at sa pagkakataong 'yon ay hindi na niya binawi ang tingin bagkus ay sinalubong niya ang mga tingin nito. "Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito," maya-maya ay apuhap na turan ni Philipp saka akmang tatalikod kay Lorraine. Nabigla si Lorraine sa inakto nito kaya napatakbo siya upang harangan ito sa may pinto. "Hindi ka pwedeng umalis," aniya sabay dipa sa harap nito. Mas lalong lumalim ang titig nito na tila gusto