Hindi na makapaghintay pa si Philipp na ihatid ni Menado sa bahay niya ang mga magulang, gustuhin mang puntahan ang mga ito ngunit nagpipigil siya dahil ayaw naman niyang tuluyan siyang mabuking ni Lorraine lalo na at tila naghihinala na ito kung bakit palagi siyang nadudulas na tawagin si Menardo ng sir. "Ano'ng sabi ni Menardo? Pupuntahan na ba natin ang mga magulang mo?" untag ni Lorraine sa kanya. Unti-unti na ring lumatag ang liwanag sa buong paligid. "Sabi ay ihahatid na lamang dito," mabilis niyang tugon. "Ganoon ba?" anito na tila nag-iisip. "Yes," matipid niyang tugon. Kita niyang humikab ito gawa ng magdamagang dilat ang mga mata nito. "Mabuti pa ay magpahinga ka na muna, baka matatagalan pa ang mga ito," ani Philipp. "Ganoon ba?" humihikab na wika ni Lorraine. Hindi na ni