Galit na galit si Black Scorpions nang malamang walang nakabalik sa mga tauhang pinasugod sa kampo ng mga Black Boss. "Puny*ta! Hindi man lang ba sila tumawag ng anumang back-up?" bulalas niya sa tauhan. "Wala po, boss, suspetsa ko ay nasurpresa sila sa dami ng kalaban nila kaya hindi na sila nakabalik," tugon pa ng tauhan. "Magpadala ka ng tao at magmanman sa paligid ng hideout nila, sa ospital o lung saan man at siguraduhin mo na hindi tatanga-tanga. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanila, kung may buhay man ay tuluyan na nila bago pa sila kumanta at mahihirapan na ulit tayong maghanap ng safe na mapagtataguan," matiim na utos Black Scorpion sa kanyang tauhan. "Opo, boss," mabilis na sagot nito na akmang aalis na. "Gusto ko ng magandang resulta, hindi biro ng singkuwenta