Pagkaalis ni Philipp ay mabilis na tumalilis si Lorraine upang sundan ang lalaki, mabuti na lamang at saktong may dumaan na taxi, marahil ay may inihatid itong pasahero roon dahilan upang hindi siya mahirapan. "Manong, pakisundan po ang sasakyan na 'yon," turo niya sa papalayong sasakyan ni Philipp. Napasilip ito sa front rear mirror nito at tiningnan siya bagay na napansin niya, mukhang iniisip nitong gusto niyang huliin ang lalaki. Iba tuloy ang senaryong naglalaro sa kanyang isipan sa nakitang tingin ng lalaki sa kanya. "Manong hindi ko po siya asawa para huliin ko," mabilis niyang turan sa mamang driver dahilan upang mapakamot ng ulo ito. "Ma'am, wala naman po akong sinabi," anito habang napapakamot ng ulo. Agad namang itinikom ni Lorraine ang bibig sa kanyang sinabi, masyado tul