Maayos na sana ang lahat kina Lorraine at Philipp dahil nagagawa na nilang normal ang buhay nila pero kailangan nilang tapusin ang misyon nila. "Hello?" alanganing sagot ni Philipp sa unregistered number na natawag sa kanya. "Hello," tinig sa kabilang linya. "Kumusta kayo ni Black Princess?" tanong pa nito. "Menardo?" maang niyang wika at doon ay napatawa ang boss sa kabilang linya. "O, ba't gulat na gulat ka, akala mo yata ay multo ang natawag sa 'yo, buhay pa naman ako," palatak nitong natatawa. "Anyways, kaya ako napatawag dahil tuloy na tuloy na ang operasyon natin sa Sabado, kaya maghanda kayo," dagdag pa nito. "Teka, magaling ka na ba?" concern na usisa sa boss. "Hindi pa gaano pero mission is mission. Hindi natin pwedeng palampasin ang operasyon na ito, alam mo naman sigurong