Naging mabilis ang araw para kay Philipp, nasasabik siyang umuwi dahil kay Lorraine, hindi alam pero napupuno ng excitement ang puso sa isiping naghihintay ito sa kanyang pag-uwi. Ganoon yata ang feeling ng bawat asawa na hinihintay ng kanilang mga misis sa pag-uwi. Sa isiping yon ay hindi niya maiwasang mapangiti ng matamis. Bago siya umuwi ay nisipan niyang dumaan muna sa isang mall upang bumili ng bulaklak at chocolate para kay Lorraine, ngayon pa lamang ay sisimulan niya nang manligaw rito. Matamis pa rin ang ngiti habang papasok sa mall at tinungo ang isang flower shop. Malapit na siya sa flower shop ng isang kakilala niya nang mamataan ang isang babae. Awtomatikong napakunot ang noo niya nang makilala ang babae, galing ito sa isang boutique. Hindi siya maaaring magkamali, si Mika