Unti-unting idinilat ni Lorraine ang mga mata nang balikan siya ng kanyang kamalayan. Bumungad agad sa kanya ang puting kesame hanggang sa maya-maya ay kita ng isang matandang babae na nakasuot ng puting gown. Ngumiti ang babae na katunayang hindi ito white lady na gaya ng pumasok sa isipan. "Ayos ka lang ba, miss?" tanong nito. "N-Nasaan ako?" agad niyang tanong. "Nasa ospital ka, isinugod ka ng mister mo kanina," tugon nito sa kanya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo niya. 'Mister?' ulit niya sa isipan hanggang sa maalala si Philipp, marahil ito ang tinutukoy nitong mister. "Naku, hindi ko po—" putol na wika. "Doc," tinig na tawag ng isang nurse dahilan upang mabaling doon ang pansin ng doktora. "Yes, nandiyan na ba ang result ng blood test niya?" tanong nito sa nurse na no