Kanina pa siya nakatitig sa labas ng bintana ng hotel room na kinuha niya para sa kanila ng babay niyang si Marc. Sa VincElla Hotel siya nag pa book ng silid, ang VincElla Hotel kase ang pinakasikat na hotel sa bayan ng San Miguel. Medyo malungkot ang panahon, hindi mainit, medyo makulimlim na para bang nagbabadya ang ulan, ulan na bubuhos ano mang oras, katulad ng kanyang luha na kanina pa niyang pinipigilan. Pagbaba pa lang nila ni Marc sa eroplani naiiyak na siya na hindi niya mapigilan. Apat na taon siyang nawala sa bansa at sa bayan na kinamulatan niya. At sa kanyang pagbabalik, bitbit niya ang tagumpay. Isa na siyang matagumpay na nurse sa Canada, isama pang may malaki siyang ipon at sapat na pera para mamuhay ng hindi na aapakan pa ng iba. Ngayong nasa bayan na siya muli ng San M

