After 4 years "Mommy you're home," excited na salubong sa kanya ng anak niyang tatlong taong gulang na si Marc. "Hello may baby boy, how are you?" Malambing niyang tanong sa anak na excited na yumakap sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang anak na hindi man niya masyadong nakakasama dahil na rin sa trabaho niya sa ospital. Naka graduate na siya bilang nurse at nakapasok siya agad sa isa sa malaking ospital dito sa Canada. Noong una nahirapan siya dahil nga wala siyang mapag iwanan kay Marc. Buti na lang at mabait si Cora sa kanya at tinulungan siya ng kaibigan na mag alaga kay Marc. Pero after 1 year niya sa pagtatrabaho sa ospital may nakilala siyang matandang babae na nagdala sa kanya ng malaking swerte. Siya kasi ang nag-alaga sa matandang babae na wala ng pamilyang nag-aalaga rito,

