Sunud-sunod na katok ang narinig niya sa labas ng pintuan ng kanyang apartment, kaya naman dali-dali na siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa para silipin kung sino ang tao sa labas. Nang masilip niyang si Cora ang kumakatok mabilis na niyang binuksan ang pintuan. Dahil na rin sa nangyari kanina hindi na siya nakabalik pa ng restaurant. Natatakot kasi siyang makita siya ni Marcus, hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkita sila ni Marcus. Nakita pa nga niya mula sa malayo na linapitan si Marcus ng babaing kasama nito. Marahil iyon na ang bagong babaeng kalaro ni Marcus ngayon. Pero ganoon pa man nagtataka pa rin siya kung bakit hinahabol pa siya ni Marcus. Matagal na rin naman nang huli silang nagkita nito. "Cora, ginabi ka," salubong niya sa kaibigan nang pagbuksan ito ng pintu

