"Amara! Amara!" Malakas niyang sigaw at sinubukang habulin ang dalaga. Hindi siya maaaring magkamali, si Amara talaga ang nakita niya sa labas ng restaurant kanina. Tumakbo ito nang tawagin niya, kaya sigurado siyang si Amara nga iyon. Pero bakit kailangan nitong tumakbo at lumayo sa kanya. Nakita naman din siya nito, pero bakit ito umiwas? Naguguluhang tanong niya. Nalaman niyang nasa ibang bansa nga si Amara nasabi ng isa sa inutusan ng lolo niya na mag ayos ng nga dokumento ni Amara. Hindi nga lang nasabi kung saa, pangatlo na ang Canada sa napuntahan niya at nagbabakasaling makita si Amara. "Amara!" Sigaw niya nang malakas nang mawala sa paningin niya ang babaing hinahabol dahil na rin sa maraming tao at sasakyan sa paligid. "F*ck!" Mura niya, habang nililingon ang paligid, pero wa

