KUMUNOT ang noo ni Kaizen nang makita ang isang babae na nakatingin sa bahay nila buhat sa labas ng kanilang bakuran. Ilang sandali niyang hindi pinaandar ang kaniyang kotse at mataman lang iyong pinagmasdan. “Baka stalker nina Kuya,” anas pa niya. Kung hindi naman kasi ito stalker, dapat ay lalapit ito sa may gate at mag-do-doorbell o kaya ay makikipag-usap sa guard kung may pakay man ito. Ipinasya ni Kaizen na bumaba sa kaniyang kotse upang lapitan ang naturang babae. “Hey,” agaw pa niya sa atensiyon nito. Nang magbaling iyon ng tingin sa kaniya, kung bakit bigla ay para bang nag-slow motion pa ang paligid. Lalo na iyong pagbaling nito ng tingin sa kaniya. Lihim din siyang natigilan nang makita nang mas malinaw ang mukha niyon. Pati paghinga niya, sandali niyang napigilan. What the