HABANG kumakain ng almusal, hindi pa rin maalis sa isipan ni Aniah ang sinabi ni Devon na love at second sight. At hindi man lang nito itinanggi ang bagay na iyon sa kaniya kanina. Nakakatuwa lang na nag-e-exist pala para sa isang Devon Stanford ang love at second sight. Malinaw naman sa kaniya kung bakit nito iyon nasabi. Katulad na lang ng paliwanag nito sa kaniya kanina. Katulad ni Evo, masyado rin itong vocal sa nararamdaman nito. Ni hindi itinatanggi ang isang bagay. Siguro nga, posible talaga na namamahay pa rin ang nararamdaman ng isang Evo sa puso ni Devon. At kahit mawala ang alaala nito, hinding-hindi magbabago ang nararamdaman nito para sa kaniya. Kahit lumipas pa ang ilang taon. “Aniah,” agaw ni Devon sa kaniyang atensiyon. Buhat sa pagkakatingin sa pagkain ay umangat ang ka