GANOON na lang ang pagbalikwas ng bangon ni Devon nang makitang wala sa tabi niya si Aniah. Napahawak pa siya sa kaniyang ulo dahil para bang may pumitik doon nang bigla siyang bumangon. Naghintay pa siya ng ilang sandali bago ipinasya na tuluyang tumayo. Banyo kaagad ang kaniyang hinayon. Kumatok pa siya sa may pinto ng banyo. “Aniah?” tawag pa niya sa pangalan nito. Walang sumasagot. Idinikit pa niya ang kaniyang tainga sa may pinto. Tahimik sa loob ng banyo. kaya naman hinawakan na niya ang doorknob at pinihit iyon. Bumukas ang pinto na hindi naman naka-lock. Wala sa loob si Aniah. Wala rin sa may lanai kung saan naroon din ang infinity pool. Bumalik muna sandali si Devon sa banyo nang makaramdam ng panunubig. Mabilisan din niyang inayos ang kaniyang sarili bago ipinasya na hanapi