SA ISANG private beach resort pa rin humantong sina Aniah at Devon. Hindi iyon kalayuan sa Bella’s Resort. Halos kahanay nga lang din niyon. At least sa lugar na iyon, walang makakakilala sa kaniya. At alam ni Aniah, ganoon din kay Devon. Dahil iginiit ni Devon na ito na ang bahalang kumuha ng magiging silid nila, kaya hinayaan na lamang ito ni Aniah na pumunta sa may reception area. Naupo na lamang siya sa may lounge area habang hinihintay ang binata. Nang lumapit ito sa kaniya ay agad niyang inilahad ang kamay niya sa harapan nito. “Susi ng room ko?” Ipinakita naman ni Devon ang susi na hawak nito sa kaniya. Isa lang iyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Aniah dahil sa pagtataka. Umangat ang tingin niya sa mukha ni Devon. “Bakit isa lang ‘yan?” sita pa niya rito. “Isang room na lang