“MAY alam ba kayo kung nasaan si Aniah?” tanong pa ni Tres kay Dos at Uno habang sila ay magkakaharap sa hapagkainan. Silang tatlo lamang ang magkakasabay sa almusal. Ang kapatid nila na si Kaizen ay nasa penthouse. Habang si Chandrea naman ay nasa Ballmer Ranch. Uuwi raw ang bunso nila oras na umuwi na ang mga magulang nila. “Wala ba siya?” taka namang tanong ni Dos. “Baka kasama lang ni Devon. Alam mo naman ang dalawang ‘yon, halos hindi na rin mapaghiwalay pa.” Sinulyapan ni Tres si Uno na abala lang sa pagkain nito. “May idea ka kung nasaan si Aniah, Uno?” Saka lang nagbaling ng tingin kay Tres si Uno. “Wala.” “Bakit mo ba tinatanong?” ani Dos. “Hindi siya kasama ni Devon. Hinahanap nga rin ni Devon si Aniah kahapon.” Nagsalubong ang mga kilay ni Dos. Sa reaksiyon nito, mukhang w