HINDI naman nagpaabot pa ng gabing-gabi sina Aniah sa labas. Iniisip din kasi niya na pupunta pa bukas ng umaga sa Stanford Group ang kaniyang nobyo. Kaya matapos nilang mag-dinner ay nag-aya na rin siyang umuwi. Wala silang ibang dala sa pag-uwi kung ‘di ang sarili lang din nila. Hindi rin kasi pumayag si Chandrea na mag-shopping dahil anito ay napakarami pa nitong gamit sa silid nito na hindi pa nito nagagamit. Lalo na ang mga kasuotan. Kaya sa halip na mag-shopping sila, iba ang napag-trip-an ni Chandrea na gawin nila. Nag-aya ito na manood sila ng sine. After niyon ay nag-lunch sila. Pagkatapos mananghalian ay nagpa-whole body massage sila. Pagkatapos niyon ay pumunta naman silang tatlo ni Devon sa isang salon para magpa-pamper. Mga bagay na hindi niya naisip na kailangan pala nila