HUMIGPIT ang kapit ni Aniah nang makapasok sila ni Devon sa loob ng kanilang pamamahay. Pansin niya kanina na wala sa may garahe ang sasakyan na palaging ginagamit ng kaniyang mga Kuya. Kaya natitiyak niya na wala ang mga ito sa mansiyon. “Sina Mommy?” agad na tanong ni Aniah sa sumalubong sa kanila na kawaksi. “Good morning, Ma’am Aniah,” magalang pa na bati sa kaniya ng kawaksi. Binati rin niyon si Devon bago nito nagawang sagutin ang kaniyang katanungan. “Wala po rito ang mga magulang ninyo, Ma’am Aniah. Nasa resthouse po si Ma’am Tanya at Sir Karzon.” “Sa resthouse?” ulit pa niya. “Opo.” Kung ganoon, hindi rin pala nila makakausap ni Devon ang mga magulang niya? Paano niya maipakikilala sa mga ito ang nobyo niya kung nasa resthouse ang mga iyon? “Kailan daw po sila uuwi rito?” “