“WHY NOT?” “Stop asking, Devon.” “Don’t tell me, na-i-in-love ka ulit sa akin?” tudyo pa ni Devon kay Aniah na muling napangiti. Ganoon na lang nang paningkitan ni Aniah ng mga mata si Devon. Muli niya itong sinabuyan ng tubig sa mukha nito. How could he tease her like that?! “Ang saya mo naman kung ganoon nga. Puwes, naiinis ako sa mukha mo,” pagsisinungaling niya. Kulang na lang, tumalon ang puso niya palabas sa kaniyang dibdib at mag-init ang kaniyang mga pisngi. Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi ni Devon. “Right. You’re still mad at me. But at some point, hindi mo ba ako na-miss, Aniah? Nawala man ‘yong memories ko, ako pa rin naman ‘to, eh.” “Paano naman kitang ma-mi-miss? Ka-miss-miss ba ‘yong taong nang-iwan na lang basta-basta sa akin?” Bumuntong-hininga si Devon. “F