Chapter 94

1333 Words

SIGURO nga, nakatulong talaga ang pagkakaayos nilang muli ni Devon dahil kinabukasan lang ay tuluyan ng nawala ang lagnat nito kaya pinauwi na rin ito ng doktor nito. Nagyayabang na rin ito sa kaniya na malakas na ito. Pero dahil siya ang instant nurse nito kaya naman wala itong magawa kung ‘di ang magpahinga lamang sa loob ng silid nito katulad ng kaniyang utos dito. “Love, kaya ko na naman. Puwede na nga tayong mamasyal kung gusto mo,” giit pa ni Devon na sinamahan pa ng isang matamis na ngiti. Gumanti rin ng isang matamis na ngiti si Aniah sa kaniyang nobyo. “Dito lang tayo sa bahay ninyo.” Nang mga sandaling iyon ay magkatabi silang nakahiga sa kama nito. Parehas din silang nakatagilid ng higa paharap sa isa’t isa. “Bukas? Pasyal tayo,” sa halip ay wika ni Devon. “Bukas?” ulit pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD