MAGING si Aniah ay sandali ring napatitig sa arko ng Mercato Lucena kung saan sila naroon ng mga sandaling iyon. Tama lang ang desisyon ni Aniah na huwag magdala ng sasakyan papuntang Lucena City dahil na rin sa traffic. Marami kasing tao sa naturang siyudad dahil sa isinasagawang festival sa kanilang probinsiya. Ang Niyogyugan Festival na sa sentro ng Lucena ginaganap kapag ipinagdiriwang iyon sa probinsiya ng Quezon. Sumakay sila ng taxi ni Devon papunta roon. Galing sila sa Chelary Tower kung saan sila nag-stay ngayong weekend. At dahil padilim na kaya inaya na niya si Devon. Nagtaka pa nga ito dahil kung kailan pagabi na ay saka naman siya nag-aya rito na pumunta sa mismong siyudad ng Lucena. “May naaalala ka ba sa lugar na ‘to?” ani Aniah nang balingan niya ng tingin ang kaniyang n