ANG TOTOO, may katiting na kaba na nararamdaman si Aniah sa kaniyang dibdib na sinisikap niyang alisin. Iyon ay dahil sa muling paghaharap ng mga kapatid niya at ni Devon. Pero mukhang ang nakaraan ay mananatili na lamang talaga sa nakaraan. Dahil ni minsan, habang kaharap niya ang kaniyang mga kapatid ay hindi nangahas na mag-ungkat ang mga ito tungkol sa nakaraan nila ni Devon. Puro tungkol sa present ang pinag-uusapan ng mga ito, lalo na sa negosyo. Kaya kahit paano ay napanatag ang puso ni Aniah. Piping hiling ni Aniah na sana ay ganito rin ka-smooth ang nalalapit nilang paghaharap ng kanilang mga magulang. At dahil smooth lang ang naging usapan, nabusog siya sa dinner nila. “Thank you,” ani Aniah sa kaniyang mga kapatid nang mag-excuse si Devon na mag-si-CR lang. Naiwan sila ng k