ABALA si Aniah sa loob ng kaniyang pribadong opisina, sa The Queens, nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na katok sa may pintong nakapinid. Sandali lang siyang nag-angat ng tingin at ibinaba rin iyon kaagad sa kaharap niyang laptop. “Ma’am Aniah,” ani Kholene na sumilip pa sa may pinto. “Puwede po bang pumasok?” nakangiti pa niyong tanong sa kaniya. “Sure,” ani Aniah sa kaniyang store manager habang nasa laptop pa rin ang tingin. Nang pumasok si Kholene ay maingat pa nitong isinara ang pinto ng pribadong opisina ni Aniah. kapag kuwan ay saka ito naglakad palapit sa kinaroroonan niya. “Ma’am, may nagpapabigay po sa inyo.” Saka lang muling nag-angat ng tingin si Aniah nang mahagip ng kaniyang paningin na may ipinatong si Kholene sa may gilid ng kaniyang lamesa. Isang bungkos ng