“BAKIT hindi nila buksan ang gate?” takang tanong ni Aniah kay Uno nang muli itong sumakay matapos makipag-usap sa guard sa may gate ng Stanford Mansion. “Wala si Devon sa loob,” ani Uno na para bang wala ng inaksaya pang panahon at kaagad pinasibad ang kotse palayo sa mansiyon nina Devon. “What do you mean? Akala ko ba, may sakit siya? ‘Di ba, dapat ay namamahinga lang siya sa kuwarto niya? At saka, saan tayo pupunta? Kuya,” untag na ni Aniah sa kaniyang kapatid na nakatutok lamang ang tingin sa daan. Sandali siyang sinulyapan ni Uno. “Nasa ospital si Devon.” Nang marinig ang sinabing iyon ng kaniyang kapatid ay animo naging batingaw iyon sa kaniyang pandinig. Si Devon, nasa ospital? Pero bakit? “A-ano’ng sabi mo, Kuya?” “Ang sabi ng guard, may dumating na ambulance kanina at isin