REBECCA’S POV NAGISING ako na may nagpapaypay sa mukha ko. Bumalikwas ako at muntik na naman akong kumaripas ng takbo nang bumungad sa akin ang mukha ni Uncle Sam pero si Sir Tristan. “What the—” Naguguluhan pa rin na napatingin siya sa akin. “Ano ba talaga ang problema mo, Rebecca? Okay ka lang ba talaga? O baka naman kilala mo ako?” Naguguluhan na tumingin din ako sa kaniya. “A-ano po ang ibig n’yong sabihin, Sir Tristan?” “Mukhang hindi pa nga yata nabanggit nina Meryl at Momma sa’yo ang tungkol sa kalagayan ko.” “Ano pong kalagayan?” Napabangon ako mula rito sa sofa na hinihigaan ko at humarap ako sa kaniya. Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ko. “Five years ago, natagpuan ako ni Meryl sa tabing-dagat na walang malay. Halos wala na raw akong buhay nang dalhin niya ako sa