CHAPTER 46

2029 Words

REBECCA’S POV “NANAY! Nanay!” Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang pumasok sa pinto ng opisina ni Sir Tristan si Samantha, kasunod sina Momma at Meryl. “Baby. Tapos na kayong mamasyal?” “Opo! At ang ganda-ganda po ng pinuntahan naming mall, Nanay. Nanonood pa po kami sa malaking TV. At ang dilim at ang lamig-lamig pa po! ‘Buti na lang po dinalhan ako ng jacket nina Momma at Tita Meryl. Tapos namasyal pa po kami sa park. Sumakay po kami sa Ferris Wheel at sa kabayong laruan na tumatakbo.” Natawa ako sa dami ng kuwento ng anak ko. Bakas na bakas sa kaniyang mukha na sobrang nag-enjoy siya sa kanilang pamamasyal. At batid ko na hindi lang dahil sa kanilang pamamasyal kundi dahil gustong-gusto niya ang mga taong kasama niya. Ilang beses na rin naman siyang ipinasyal ng mga kamag-anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD