“Hoy, Shasha!” wika ni Francia sa akin. “Ha?” Kumunot ang noo niya. “Ano bang iniisip mo?” Umiling ako sa kanya. “Wala naman.” “Anong wala? Kanina ka pa nakatulala diyan. Ano ba ang bumabagabag sa isip mo?” Huminga ako ng malalim. “Iniisip ko lang ang pamilya ko,” alibi ko. Ang totoo ay iniisip ko ang tungkol sa amin ni Neil. Ilang beses na kaming naghahalikan at muntik ng may mangyari sa amin kung hindi lang ako nakapagpigil. Pero walang relasyon ang namamagitan sa amin. “Huwag mo ng isipin sila dahil hindi mo naman sila pinapabayaan.” “Iniisip ko baka hindi agad ako makahanap ng trabaho.” Nameywang siya sa akin. “Anong hindi ka makakahanap ng trabaho? Ilang ospital na ba ang in-applyan natin at pinagpapasa na tayo ng requirements agad. Kailangan sa atin ng nurse dahil kulang na

