PUMIKIT ako habang tumutugon sa halik ni Neil. Hinayaan ko rin siyang himasin ang braso ko. Nang maramdaman kong gumapang ang kamay niya sa loob ng damit ko ay tinulak ko siya. “Sorry!” Tumalikod ako sa kanya at tumakbo sa loob ng kuwarto. Nag-double lock ako at humiga sa kama. “Anong ginawa ko?” Sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko kahit ilang minuto nang natapos ang halik namin ni Neil. Tinakpan ko ng unan ang katawan ko pagkatapos ay sinikap kong matulog. “Hays! Paano kaya ako makikipag-usap sa kanya ngayon?” Kanina pa ako nagising ngunit hindi pa ako bumabangon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. Sinabunutan ko ang buhok ko. “Ikaw kasi ang rupok mo!” Naligo ako bago lumabas ng kuwarto para magluto ng almusal. “Good morning!” Nagulat ako nang makita ko si

