[NEIL] “Mukhang masydo kang busy cellphone mo?” tanong sa akin ni Doctor Herrera, isang cardiologist doctor. Sinilid ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko at ngumiti sa kanya. “I’ll check my phone kung may email ang magulang ko sa akin.” “Oh, I see. Sasama ka ba sa amin para pumunta sa Siargao ngayon?” Umiling ako. “I’ll be back in Manila today,” “Oh, sayang naman, hindi mo na-enjoy ang Cebu kung uuwi ka agad.” “Marami akong gagawin.” “Okay, good luck sa exam next week.” “Thank you, Doctor Hererra.” Hindi ko sinabi kay Sha na babalik ako ngayon sa Manila. Ang buong akala niya ay bukas pa ako uuwi. Kinuha ko ang maleta ko at sumakay ng taxi papuntang Airport. Habang nasa taxi ako nakatingin ako sa telepono ko. Ginagawa kong pampalipas ng oras ang panonood sa cctv camera sa cond

